Ang baho sa loob ng taxi. Amoy natuyong pawis, na ewan ko ba kung galing kay manong driver o sa pasahero niya na katatapos lang magpractice ng sumo wrestling. Buti na lang malapit lang ang pupuntahan ko. Papasok lang naman ako. Hindi na ako sanay mag commute. Di narin sanay mag-taxi. Riding in tandem ang uso ngaun sa buhay ko. Hehe.
Crazy Ass.
Hindi ako yun. Yun ung pangalan ng motor namin ni Jon. Akalain mo nakuha pa namin pangalanan diba? Actually siya lang nagbigay nun. Nice name. Astig nga dating diba.
May bagong kanta pala ung isang babaeng singer na ewan ko ba kung naging karelasyon nga ni Barbie. Dati gusto ko pa siya. Simula ng nag-revive siya ng isang lumang kanta, ayoko na. Mataas ang boses niya. Babaeng babae. Maganda. Malamig. Masarap pakinggan. Dati siguro. Pero malay natin in the future ulit.
Paano kaya magagawa yung Orange. Gusto ko pa naman panoorin yung hiniram ko kay Maymay. Bituing Walang Ningning at Bukas Luluhod ang mga Tala. Original ito oy. Buti na lang natapos ko na ung Weeds. Sabi ni Besa, magulo ang ending. Magulo nga. Hehehe.
Wala ako kasama pumasok. Nagpunta sila sa Pansol. Na-miss ko tuloy sila Camela. Ay si Camela lang pala. Oliver, Kae, swimming, hot springs, at kung anu ano pa nakikita dun sa Pansol. Gusto ko pa nga mag two piece swimsuit kaso bawal daw sa pool eh. Baligtad noh.
Naging dalawa tuloy trabaho ko. FD at TM. Gusto ko na nga gawin lahat eh kaso hindi puede. Mas gusto ko yung nauna, but I'm stuck with the latter. How do I get out? I don't know. Wish I knew how.
Stress. Lack of sleep. Sadness. Anger. Frustration. Ignorance. Big Pay. These are the rewards of my achievement. For all I know, I'll be here forever. Scary.
Like in the song from Music & Lyrics, "..trapped in the past I just can't seem to move on."
No comments:
Post a Comment